Sunday, May 13, 2012
Sky, Binili Ang Kalabang Destiny Cable!
Attention mga Global Destiny Cable, Uni Cable at MyDestiny Broadband subscribers! Binili na ng Sky Vision Corporation, operator ng SkyCable at SkyBroadband, ang Destiny Cable Inc.
Noong Biyernes, May 11, binili na ng Sky ang mga cable and broadband business ng Solid Group Inc, operator ng Global Destiny, Uni Cable sa Cebu at MyDestiny Broadband ng Php 3.5 Billion. Layunin daw ng Solid Group na mas mapaganda ang cable TV at broadband business para sa mga customers nito.
Ayon sa Sky, lalagyan na nila ng digital box ang mga subsribers ng Global Destiny at Uni Cable para mas mapaganda ang quality ng napapanuod sa TV at para maiwasan ang cable piracy. Halos 95% na ng mga subscribers ng Sky ay may digital box na.
Ang Sky ang pinakamalaking pay TV company sa bansa na may 500,000 subscribers at 40,000 broadband subscribers na pagaari ng ABS-CBN Corporation.
Sky's main competitor is Cignal Digital TV, ang pinakamalaking DTH (direct to home) satellite TV sa bansa at pangalawang pay TV company. Ito ay pag-aari ng MediaQuest Holding Inc ng PLDT Group at sister company ito ng TV5.
Sa pagbili ng Sky sa Destiny, mas lumaki pa ang market share ng Sky sa pay TV business. May tinatayang 200,000 subscribers ang Destiny at Uni Cable.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
DZMM
ReplyDelete