Saturday, March 24, 2012

Ang Mga Magtatapos at Magsisimula sa ABS-CBN Ngayong April!

May mga magtatapos na teleserye sa ABS-CBN ngayong Abril pero kasabay nun ang pagsisimula ng mga bagong shows!


Magtatapos na ang paboritong nating asianovela CITY HUNTER sa April 13, Friday. Nakatakda itong palitan ng PRINCESS AND I na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo, Khalil Ramos, Enrique Gil, Daniel Padilla, Albert Martinez and Ms. Gretchen Barretto sa April 16. Magkakaroon ng movement sa line-up ng ABS-CBN Primetime Bida since ang Princess And I ay isang teen teleserye, malamang mailagay ito sa 8:30pm timeslot after E-Boy.

Magtatapos na rin ang PINOY BIG BROTHER sa katapusan ng buwan at sa March 31 magaganap ang THE BIG NIGHT AT THE GRANDSTAND. Wala pang ipapalit sa PBB immediately after matapos ito para lumuwag bahagya ang Primetime Bida. Pero nakatakdang pumalit sa PBB Unlimited ang PBB Teen Edition.

Sa Kapamilya Gold magatatapos na ang nangungunang teleserye sa hapon na ANGELITO BATANG AMA sa April 13. Papalitan ito ng PBB Teen Edition Daytime.

Sa pagtatapos naman ng PBB UnliDay sa Kapamilya Gold ay magsisimula naman ang bagong Kapamilya Gold teleserye KUNG AKO'Y IIWAN MO na pinagbibidahan nina Jake Cuenca, Bangs Garcia and Shaina Magdayao. Magsisimula ang teleserye sa April 2 or April 9.

Excited na ba kayo Kapamilya?

No comments:

Post a Comment