Monday, March 19, 2012

Derek Ramsay Confirmed Na Lilipat na sa TV5 Ayon Kay Willie Revillame at Manny Pacquiao Lilipat Na Uli sa ABS-CBN?


May mga lipatan diumano'y magaganap. Ayon kay Willie Revillame, host ng Wiltime Bigtime sa TV5, lumipat na daw si Derek Ramsay mula ABS-CBN to TV5. Nakakalungkot na balita ito kung totoo man. Sa ngayon, hindi pa nagsasalita si Derek tungkol dito.


May isa pang naiitrigang lumipat - si Manny Pacquiao. Bagamat si Manny Pacquiao ay talent ng GMA dahil may show ito doon at lahat ng laban niya ay pinapalabas sa free TV thru GMA, mas nauuna pa minsan ang ABS-CBN na makakuha ng interview sa kanya dahil matalik na kaibigan ni Manny si Diane Castillejo na sports correspondent ng ABS-CBN. Kahapon ay pumunta si Manny Pacquiao sa ABS-CBN para sa isang bible study na dinaluhan ng ABS-CBN bosses.

Ayon sa source, maliban sa bible study ay negotations din sa paglipat ni Manny Pacquiao mula GMA to ABS-CBN. Posible kaya na ang laban ni Manny Pacquiao at Timothy Bradley ay maipalabas sa ABS-CBN? Sa pagkakaalam ko ay tapos na ang kontrata ng Solar Entertainment at GMA para sa free TV coverage ng laban ni Manny.

Abangan natin ang development ng balitang ito, Kapamilya.

No comments:

Post a Comment