Monday, March 19, 2012

Star Cinema at Viva Enteratainment, May Tampuhan?

Nakatanggap ako ng balita na may namumuong tensyon sa pagitan ng Star Cinema and Viva Entertainment. Ayon sa PEP, may kinalaman daw ito sa umano‘y 50/50 dapat na hatian sa pagpo-produce ng pelikulang MORON 5 AND THE CRYING LADY. Kabilang sa pelikula si Billy Crawford. Ayon pa sa source ng PEP, publicity ang kayang i-commit ng Star Cinema. Ito daw ay hindi nagustuhan ng Viva Big Boss Vic Del Rosario. Kung totoo ito baka maapektuhan ang magandang relasyon ng Viva at Star Cinema. Ang collaboration ng dalawa ay ang mga top-grossing movies like Catch Me I'm In Love, No Other Woman, at Praybeyt Benjamin at marami pang iba. Sana maayos ang gusot nila at magpatuloy ang magandang relasyon ng dalawa.

No comments:

Post a Comment