Monday, April 2, 2012

Derek Ramsay Lumipat na Mula ABS-CBN to TV5

Kumpirmadong lilipat na si Derek Ramsay mula ABS-CBN papuntang TV5. Ito ayon mismo sa ABS-CBN. Naglabas ang statement ang ABS-CBN:

“Nagdesisyon na si Derek Ramsay na lumipat sa TV5. Sa mga nakaraang buwan ay ginawa ng ABS-CBN ang kaya nitong gawin para makumbinsi siya na manatiling Kapamilya. Ngunit naging mahirap para kay Derek na tanggihan ang ini-alok na halaga ng TV5 sa kanya. Nais namin pasalamatan si Derek sa maraming taong inilagi niya sa ABS-CBN."


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Derek Ramsay at ayon sa kanya, hindi pa siya pumipirma ng kontrata sa TV5 pero ipinaalam na nila sa ABS-CBN na hindi na sila magrerenew.

Ayon kay Derek, bagama't nakikita siya madalas sa mga pelikula ng Star Cinema, hindi na siya halos nakikita sa ABS-CBN Channel 2. Gusto din ni Derek na magkaroon ng TV show. Nilinaw rin ni Derek na hindi siya lumipat dahil sa pera. Lumipat siya dahil sa willing ang TV5 na ibigay sa kanya ang mga hiling niya. Si Derek ang magiging host ng Amazing Race Philippines sa TV5.

Isa pang paglilinaw, tatapusin daw ni Derek ang movie nila ni Bea Alonzo sa Star Cinema bago siya tuluyang lumipat.

No comments:

Post a Comment