Opinion ko lang ito mga Kapamilya. Marami na talaga ang hooked na hooked na sa Pinoy Big Brother Teen Edition 4. Sa halos mahigit 1 linggo na nila sa bahay, mas nakikilala na natin ang mga teen housemates.
- Ganun parin ang tingin ko kay Claire, gandang ganda sa sarili. Pero totoong maganda siya. Dahil sa ganyan ang ugali niya walang guy na pumili sa kanya para i-date sa party. Buti nga sa kanya. Pero nagexpect siya kahit dinedeny niya.
- Ay nako... Si Clodet talaga... Iba siya talaga. Ramdam na ramdam mo siya sa mga revelations niya. Mayayanig ang panga mo talaga.
-Gusto ko yung pagiging makulit nina Ryan at Kit. Evidence na teenagers nga sila. They don't pretend.
-Noong una, naiinis ako kay Karen. Pero after tonight's episode mas naiintindihan ko si Karen. Ang pamilya, na dapat na umiintindi sa kanya ay pinaglilihiman niya. Mahirap yung hindi ka open sa parents mo at lalo na sa kapatid mo. Dahil may pinagdaanan yung ate ni Karen dahil nabuntis ito ng maaga, ibang iba na ang trato ng pamilya ni Karen sa kanya. Hindi maganda yung pagtrato ng pamilya niya na kesyo susuntukin siya pag may bf siya or what.
Ang resulta hindi na nagoopen si Karen sa pamilya niya. Hindi naman napipigilan ang makaramdam ng love lalo na sa mga teens like her. Importante sa pamilya na open ang teenage na anak at ang magulang para may proper guidance. Masakit sa kanya yung hindi siya makapagopen sa parents niya pati sa ate niya. Gusto din niya i-share yung nararamdan niya about love and that's a good sign.
- I think Karen likes Kit and vice versa. I don't think pang-show lang yung ginagawa nila. Maganda na they are taking things slow. Kahit alam nila na may gusto sila sa isa't isa hindi nila ito minamadali at mas kinikilala nila ang isa't isa. Para sa akin hindi masama ang mga teens na pumasok sa isang relationship as long as they are responsible enough to handle it and knowing their limitations.
- Bothered ako kay Myrtle. Marami ang humahanga sa kanya na kabataan. Good role model. So far napaka good girl niya, very responsible, blends well with everybody. Pero its too good to be true. Parang hindi totoo. I think MYRTLE IS PRETENDING. Hindi siya nagpapakatotoo sa bahay. Masyadong perfect, nice, little teen cosplayer. May ganyan bang teen ngayon?
I think she knows how to play the game. Effective yung pagkuha niya ng sympathy sa pagkwento na pinagpustahan siya noon kaya ayaw na niya pumasok sa isang relationship. Mag-aral daw muna ang mga teens. Tama naman pero bahagi ng buhay ang mga pagkakamali at makaramdam ng love. Dahil sa mga nagawa niya marami humanga sa kanya. Effective ang battleplan niya. Pero sino ba talaga ang totoong Myrtle. I know its too early to judge her at pwede pa naman magbago ang impression ko sa kanya. Pero she is really playing safe sa bahay. Sana ilabas niya ang mga totoong nararamdam niya.
That thing with Yves and Myrtle? Kawawa naman si Yves. Pinapaasa ni Myrtle. I know sinabi ni Myrtle na ayaw niya muna magka-bf pero bakit ganito? Ineentertain parin niya sa Yves. Dapat panindigan niya na ayaw niya muna magbf kasi aasa yang si Yves. She is being unfair to him. Unless may gusto din siya kay Yves at away lang niya ientertain ang feeling na yon. So, ibig ba niyan hindi na siya nagpapakatoo sa bahay? EXACTLY.
Sina Jai at Joj? LOVE NA LOVE ko sila! Sana may guy na pansin yung ganda na nakikita ko sa kanila. Maganda ang personality nila. Walang pretentions tulad ng kay Myrtle.
Opinion ko lang yan Kapamilya. Sana walang magalit sa mga ipinahayag ko. Peace Myrtle fans.
No comments:
Post a Comment