Friday, April 13, 2012

PLDT Binibili ang GMA Network ng Php 45 Billion!


Kapamilya, it is confirmed. Ang main competitor ng ABS-CBN Corporation, ang GMA Network, ay FOR SALE na.


Ayon sa Philippine Star, ang mga may-ari ng GMA Network - Gozon, Duavit and Jimenez ay ibinebenta ang TV network ng Php 55 Billion.

Sino ang buyer? Confirmed na confirmed na ang PLDT Group ang gustong bumili ng GMA Network. Hindi lang magkasundo sa presyo. Ang offer ni PLDT Chairman Manny Pangilinan ay Php  45 Billion para sa 100% stake ng GMA Network.

Nalaman din ng Philippine Star na plano ng PLDT parent company, ang First Pacific of Hong Kong na bumili ng TV network sa Indonesia at Vietnam. Nakakatakot ito mga Kapamilya. Kung mabibili ng PLDT Group ang GMA Network, magiging regional power ito kasi magkakaroon pa sila ng sister network sa Indonesia at Vietnam!

Pagaari rin ng PLDT Group ang TV5. So ang mangyayari TV5 + GMA vs ABS-CBN? Hindi ba parang unfair competition nanaman yon? Marami akong nababasa tungkol sa mga ganitong scenrario. Kadalasan ang isang kumpanya ay binibili ang competitor nila ay para kumonti ang kakumpitensya nila at ito ay hindi magandang gawain.

Tulad ng ginawa ng PLDT Group sa Digitel (Digital Telecommunications Philippines) na may-ari sa Sun Cellular. Binili nila ng Digitel at ngayon bahagi na ito ng PLDT Group. From 55%, naging 70% bigla ang market share ng PLDT as compared sa competitor nila ang Globe Telecom na may 30%. Mas kakaunti ang competitor, mas kakaunti ang makakaoffer ng mas magandang promos at serbisyo para sa atin.

Ganun din ang magiging scenario ng ABS-CBN vs GMA and TV5. Kaya magaganda ang napapanuod natin sa ABS-CBN ay dahil alam nila na dalawa ang kalaban nila. Mas kailangan nilang pagandahin ang mga shows nila para mas marami parin ang nanonood sa kanila.

Kayo Kapamilya, ano ang opinion niyo?

4 comments:

  1. sa akin po kahit anong mangyari ABS-CBN din ako....Best sa akin ang ABS-CBN 1

    ReplyDelete
  2. no one can beat! only the Best! KAPAMILYA will still win.

    ReplyDelete
  3. i was born a kapamilya,so i must also die as kapamilya..

    ReplyDelete
  4. number 0ne parin ang ABS-CBN .. sa puso ng bawat pilipino saan man sa munDo..!♥♥♥ PROUD TO BE A KAPAMILYA !

    ReplyDelete